Tagalog Post: Iyakan Blues

Heto na. Iiyak na ako.

Matagal ko nang gustong umiyak kasi. Ewan. Catharsis kuno. Sa dami ba naman ng kailangan gawin, at dahil tongek lang talaga ako pag dating sa pag-organisa ng buhay ko, sobrang na-stress ako. Naisip ko na kailangan ko lang ng isang mahabang hagulgol para mahugot mula sa puso ko lahat ng bigat na nararamdaman ko.

Ang problema?

Hindi ako makaiyak.

Iyakin talaga akong tao. Konting kurot ng puso lang, konting inis, kayang kaya na bumuhos ng luha ko. Pero ewan ko ba. Ayaw talaga bumuhos. Minsan feeling ko, “Ayan na! Bubuhos na siya! Gagaan na ang pakiramdam ko!”

Tapos biglang mauudlot yung luha asdfghjklkjhgfdsa NAKAKALECHE LANG.

Tapos nung Biyernes. Ayan na. Appreciation Day.

YAHOO WALA AKONG POPROBLEMAHIN KASI PLANTSADO NA ANG LAHAT.

Ang saya diba?

Alam na ng mga bata kung ano ang gagawin. Konting remind na lang dito, doon. Magmemake up lang ako. Maglilipstick na matingkad na pula para BAM! wala lang. Araw ko ‘to eh. Bakit ba.

Tapos nabago yung ibang bagay. So nataranta ako.

ANO NA NAMAN ITO?!

Sabi kasi ni ganito na ganito na daw ang gawin. ANO BA HA?! IKAW BA NAGPAKAHIRAP AYUSIN LAHAT NANG ITO?! ANDITO KA BA NUNG PINAGKAHIRAP-HIRAPAN NAMIN ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI?!

Lahat ng kasama kong guro nakatingin sa akin, “Ano na ang gagawin namin?”

Sa totoo lang hindi ko rin alam.

I make it up as I go along, ika nga ng Third Eye Blind.

Paikot ikot na ako, utos dito, utos doon.

Sino may bolpen?! Pahiram!!! Francis, amin na yung script mo, may idadagdag ako.

Hala yung music stand asan na? KUYAAAAAAAA PAKUHA PLES!

Hala yung regalo nila father asan na? KUYAAAAAAAAA PAKUHA PLES!

AJ, David, eto yung mga regalo. Kayo na mag-abot kina father mamaya.

Nena, Josh, bantayan niyo na yung grade 3B. Go.

Will, John, punta na kayo sa grade 3A.

Chers! Pila lang po tayo. Dalawang pila po, kung saan nakaupo yung class niyo, dun kayo sa side na ‘yon. (sa loob ko, “hindi pa ito dapat nangyayari ngayon. sino ba kasi nagpalit ng order?”)

Patrick, ilagay mo ‘tong upuan sa harap. DALI!

OMG wala pang upuan yung ibang teachers sa harap huhu ano na ba ‘tong nangyayari.

Hay. Ang dami pang nangyari nung umagang yon. Akala ko tapos na ang stress ko pero hindi pa pala.

Pag balik ko sa upuan ko nung nagsimula na yung misa, wala na. Ready na bumuhos yung luha sa galit at inis at pagod. Idagdag mo pa yung takot na naramdaman ko nung nakita kong nakasimangot si father. Hindi siya usually ganon ka-seryoso pag nagmimisa sa amin. Natakot ako. SOBRA.

So ayun. Stress ulit. Ready na akong umiyak, pero utang na loob ang pangit ng timing kaya pinilit kong huwag bumuhos. Pinilit ko pa ring ngumiti kasi katabi ko yung klase ko, eh ang bait nila nung araw na ‘yon. (Ang swerte ko lang talaga sa kanila.)

Haaaaaaaaaaaay.

Narinig ata ako ng katabi ko na sumisinghot eh. Bahala na. Basta hindi ako umiyak noon.

Ang problema: hanggang ngayon hindi pa rin ako umiiyak. Kaya heto, mabigat pa rin ang puso ko.

No, I’m not saying I’m sorry.
– 30 seconds to mars #nowplaying

Earth to Bella,
The world can be an unfriendly place.
SO hold your head up
And do your best to save some face.
It’s not so hard…
Just undo yourself and
see a second sun ascend.
-Incubus #nowplaying

———————————————————–

And then I can’t help second-guessing and doubting myself and putting myself down in the sense that I have no right to be so freaked out because I have friends who relatively have it worse than I do (I love you, guys).

Pero ayun. Buhay.

Ang nakakatuwa lang ay nagpasalamat yung mga kapwa guro ko sa pinaghirapan naming lahat. Sobrang nagpapasalamat ako na maunawain ang mga katrabaho ko. San ka pa ba makakahanap ng mga ganung klaseng tao? Dun lang sa amin. 😀

Sige, pwede na ako maka-move on. Dahil hindi ko man nailabas sa pag-iyak, nailabas ko naman sa pagsusulat. 🙂

Smile. :)

Smile. 🙂

 

Advertisements

One thought on “Tagalog Post: Iyakan Blues

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s